Ilan ang natatakot, at ilan ang walang pakialam?
Ilan ang magbubukas ng tunay na kalooban, at ilan ang pipiliing manahimik na lamang?
Ang wika'y di ako taga-riyan, kaya huwag makialam.
At di naman daw sumasamba sa simbahang ipinaglalaban.
Ang tuligsa ng salita at talas ng dila, walang pasintabi sa harap ng madla,
Na maging itong ebanghelyo'y tila nasasalaula.
Ang kabutihang asal, at pagpapakumbaba
ang sumasalamin sa anino ng Bathala.
Nasaan ang awa, at ang pagkadakila
kung mismong alagad ay palalo sa halimbawa.
Ako'y taga-Cabuyao, ikaw taga-saan?
Ang bantayog at templo, pamana ng nakaraan
Yaman ng lahing patuloy kong ipaglalaban.
Kung ikaw man ay hari, pari o paham,
'Wag kalilimutang dayuhan ka lamang

No comments:
Post a Comment